01Non-maleficence
Huwag manakit
Ang prinsipyo ng non-maleficence ay humihiling na huwag sadyang magdulot ang mga medikal na practitioner ng hindi-kinakailangang pinsala sa pasyente. Ang pagtutuli sa pagkabata ay kinabibilangan ng permanenteng surgical na pagtanggal ng malusog, nagtatanggol, at erogenous na tisyu mula sa isang bata, kaya't ito ay isang hindi-kinakailangang pinsala.
Nilalabag ng pagtutuli sa pagkabata ang prinsipyo ng non-maleficence.
02Beneficence
Ang paggawa ng mabuti
Ang prinsipyo ng beneficence ay humihiling na magbigay ng benepisyo sa pasyente ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Sapagkat ang rutinaryong pagtutuli sa pagkabata ay walang ibinibigay na benepisyo sa bata, nagtatanggal ng normal na bahagi ng katawan, at inilalantad siya sa hindi-kinakailangang peligro, trauma at sakit.
Nilalabag nito ang prinsipyong bioetikal ng beneficence.
03Justice
Katarungan at pantay na proteksiyon
Sa Estados Unidos, ang mga babae sa lahat ng edad ay pinoprotektahan ng batas mula sa lahat ng medikal na hindi-kinakailangang operasyon sa ari. Ang mga lalaki ay karapat-dapat sa parehong legal na proteksiyon. Walang katanggap-tanggap na dahilan para sa pagkakaiba sa batas sa pagitan ng pagbabago sa ari ng babae at lalaki.
Nilalabag ng pagtutuli sa isang sanggol na lalaki ang prinsipyo ng katarungan.
04Autonomy
Karapatan sa pagpapasya sa sarili
Ang prinsipyong bioetikal ng awtonomiya ay nagbibigay sa bawat tao ng karapatang magpasya hinggil sa kaniyang sariling katawan. Sinasabi ng aming Deklarasyon ng Kalayaan na tayo ay 'pinagkalooban ng ilang di-maipagkakait na mga karapatan,' kabilang ang pagpapasya sa sarili.
Nilalabag ng pagtutuli sa sanggol ang prinsipyo ng awtonomiya.